Balik Islam – Suriin ang sarili

KApatid na Balik Islam;

1. Nagawa mo na bang pumunta ng nag-iisa sa isang lugar na tahimik upang doon ay maupo at mag-isip, mag-reflect, o mag-muni-muni?

2. At doon ay iyong itatanong sa sarili, Ano ba ng tunay kong maidadahilan kung bakit ako nag-embrace ng Islam?

a. Napagaya lang ba ako sa iba?
b. Dahil nalaman mong nag embrace ng Islam si Robin Padilla?
c. O para subukan kung ano ang maibibigay ng relihiyong Islam sa aking buhay (materially).
d. O sa dahilang ito ang requirements sa iyong pagpunta sa Saudi Arabia?
e. O pumasok ako dito dahil nais ko lang mag-asawa ng ikalawa?

3. O kaya, ang iyong itatanong sa sarili habang ikaw ay nag-iisa:

a. Bilang Muslim na, ano ba talaga ang nais kong maging aktibidad ng aking bagong uri ng pamumuhay?
b. Ano ba ang goal ko bilang Muslim, sapat na ba sa akin ang mag pray 5 times a day, at mag-fasting sa buwan ng Ramadan?
c. Nagagawa ko ba ang magkusang mag salah kahit pa ako ay nag-iisa, o gawa ng nahahatak lamang ako ng iba, o dahil sa takot maakusahang hindi totoo ang aking ginawang pagyakap sa Islam?
d. Nagagawa ko ba ang kusang mag fasting kahit hindi buwan ng Ramadan, o napapagaya lang ako sa iba?
e. Regular ba akong dumadalo sa Jumuah prayer tuwing biyernes?

Sa madali’t sabi, nagagampanan ko ba ang aking tungkulin bilang isang Muslim?

4. Sa isang banda, sumagi na ba sa ating ang mga ganitong katanungan:

a. Sa iyong pagwu wudhu, nangyari na ba na parang mong kinu question na bakit kailangan pang gawin ito?
b. Nakadarama ka bang ng kasiyahan habang ginawa mo ito, o pagkainis, o pagkatamad?
c. Nadama mo na ba ang tinawag na tranquility (deep feeling of calmness) habang nagsasagawa ng pagsa salah. (gaano kadalas?).
d. Kaylan mo ito nadarama, pag ikaw ba ay masaya, o kung ikaw ay may problem?
e. Nadama mo na ba ang kaligayahang dulot ng pagpa fasting, o baka gutom at uhaw lang at panghihina ng katawan ang iyong nadarama pagkatapos na isang araw na pagpa fasting?

5. Sa iyong pagiging Muslim, paano mo susukatin ang sarili: confused, satisfied, contented, fulfilled, frustrated, discouraged, problematic, undergo difficulty, or at a complete loss?

6. Sa nangyayari sa iyong kapaligiran, na-obserbahan mo ba ang kawalan ng pagkakaisa sa hanay ng mga Muslim? Maging ito ay sa sektor ng mga may kaalaman sa Islam, gaya ng mga: (Shaikh Kabeer, Maulana, Alim, Ustadh)?

7. Ano naman ang iyong opinyon o masasabi sa ganitong mga kaganapan sa hanay ng mga Muslim?

8. Malulunasan pa ba ang problemang ito ng hindi pagkakaisa sa hanay ng mga Muslim?

9. Saan ka kabilang, Ikaw ba’y bahagi ng solusyon o bahagi ng problema?

10. May ginagawa ka bang hakbang upang ito ay masolosyonan?

11. Sa iyong pananaw, ano ang dapat gawin upang malunasan ang mga hindi pagkakaunawaan sa hanay ng mga Muslim?

12. Saan tayo dapat magsimula ng pagbabago?

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: